Pinakikilala: The MCCQC Rainbow Ensemble

Rainbow Ensemble 2

Nitong nakaraang linggo, June 2 ipinakilala ang bagong mukha ng Music Ministry ng simbahan sa pamamagitan ng unang pagtatanghal ng The MCCQC Rainbow Ensemble. Pinangunahan ito ng bagong talaga at kauna-unahang deacon ng Music Ministry na si Jack Quimpo kasama ng mga vocal talents ng simbahan na sina Ivan, Oliver at Marky. Si Gavini ang aming resident musician ang siyang tumugtog sa unang Praise & Worship assignment ng grupo.

Ang MCCQC Rainbow Ensemble ay isang bukas na ministry para sa mga taong may angking talino sa musika at pagkanta. Inaanyayahan ang mga kaibigan at miyembro ng simbahan na sumali sa paglilingkod sa Panginoon sa pamamagitan nito.

Inaasahang mas magiging makulay ang bawat Sunday Worship Service ng MCC Quezon City dahil sa bagong ministry na ito. Maraming salamat mga kapatid! 

 


%d bloggers like this: