“But in those days, after that suffering, the sun will be darkened, and the moon will not give its light, and the stars will be falling from heaven, and the powers in the heavens will be shaken.
“Then they will see ‘the Son of Man coming in clouds’ with great power and glory. Then he will send out the angels and gather the elect from the four winds, from the ends of the earth to the ends of heaven.
“From the fig tree learn its lesson: as soon as its branch becomes tender and puts forth its leaves, you know that summer is near. So also, when you see these things taking place, you know that he is near, at the very gates. Truly I tell you, this generation will not pass away until all these things have taken place. Heaven and earth will pass away, but my words will not pass away.
“But about that day or hour no one knows, neither the angels in heaven nor the Son, but only the Father. Beware, keep alert, for you do not know when the time will come. It is like a man going on a journey, when he leaves home and puts his slaves in charge, each with his work, and commands the doorkeeper to be on the watch. Therefore, keep awake, for you do not know when the master of the house will come, in the evening or at midnight or at cockcrow or at dawn, or else he may find you asleep when he comes suddenly. And what I say to you I say to all: Keep awake.”
Scripture Reading
Matthew 13:24-37 (NRSV)
“Christ has died. Christ is risen. Christ will come again.” Mga katagang paulit-ulit nating binibigkas at pinagsisigawan linggo-linggo. Mga katagang bumubuod sa kwento ng kinikilala nating Hesus.
“Christ has died. Christ is risen. Christ will come again.” Dalawa sa tatlong acclamations na ‘yan ang pinaniniwalaan nating naganap na: Namatay si Hesus, at muli Siyang nabuhay.
‘Yong pangatlo — Christ will come again — hindi natin sigurado kung kailan eksaktong magaganap. Ngayon, ang tanong: Importante bang malaman kung kailan talaga magaganap ang Pagbabalik ni Hesus?
Habang lumalaki, bilang isang batang bakla na palaging pinaaalalahanan ng Simbahan na kinagisnan niya na isa siyang buhay na kasalanan, naniwala ako dati na ang Pagbabalik ni Hesus ay para lamang sa mga walang bahid ng pagkakasala. Naniwala ako na ang Pagbabalik ni Hesus ay parang isang eksena sa pelikula kung saan ang mga dalisay ay isasama Niya pabalik sa kaniyang Kaharian, at kaming mga makasalanan diumano ay maiiwan habang nagugunaw ang mundo.
Madaling mawalan ng pag-asa at pananampalataya kapag kinondisyon na kaagad ng lipunan ang isipan mong isa kang kasalanan at hindi ka kasali sa mga ipagpapala ng Panginoon. Habang lumalaki at nagkakaroon na ako ng kakayahang magdesisyon para sa aking sarili, aaminin kong nawalan na ako ng ganang hintayin ang Pagbabalik ni Hesus at umasa pa rito. Hindi na ako umasa sa isang bagay na sinasabi nilang hindi naman pala para sa akin — unless maging “straight” daw ako.
In our passage for today, Mark 13 talks about waiting for Jesus to return. Before we dive into the specific verses assigned for today (Mark 13:24-37), let’s set the stage by briefly looking at the preceding verses (Mark 13:1-23). In these initial verses, Jesus warns His disciples about the challenges and trials they will face, including the destruction of the temple, the rise of false messiahs, and various signs indicating the approaching end. Amidst these warnings, Jesus emphasizes the importance of endurance, faithfulness, and hope. As He concludes this part of His discourse, Jesus leaves His disciples with a powerful charge: “But be alert; I have already told you everything.”
Now, as we transition to Mark 13:24-37, we do so with an understanding of the context — a context of anticipation, preparedness, and the enduring hope that Jesus imparts.
Dramatic Entrance: Verses 24-27
In verses 24-27, Jesus describes cosmic and celestial events that will precede His return. “The sun will be darkened, and the moon will not give its light, and the stars will be falling from heaven, and the powers in the heavens will be shaken.” These are symbolic and apocalyptic images often associated with the coming of the Messiah and the end times in biblical literature. Not gonna lie, nakakatakot.
“Then they will see ‘the Son of Man coming in clouds’ with great power and glory. Then he will send out the angels, and gather his elect from the four winds, from the ends of the earth to the ends of heaven.” Malinaw na ipinapakita rito kung paano ang magiging entrance ni Hesus sa kanyang pagbabalik. (May mga agam-agam ako tungkol sa totoong kahulugan ng “elect” sa passage na ‘yan, pero hindi muna ako magfo-focus doon.)
The mention of angels gathering the elect from all directions paints the idea of a final gathering of “believers” when Jesus returns to establish His kingdom. Ang dramatic ng pagkakalarawan ng Biblia sa kung paano babalik si Hesus. Ang bongga, ang fabulous, and I dare say, ang queer.
Sa madaling salita, kahit hindi natin alam kung kailan Siya eksaktong babalik, sa bongga ng magiging entrance Niya, imposibleng ma-miss natin ito. At ngayon ko napagtatanto na, ‘yong takot na naramdaman ko sa napakahabang panahon tungkol sa Pagbabalik ni Hesus ay hindi ko pala dapat maramdaman. Hindi pala dapat ito kinakatakutan. In fact, kung lalayo tayo nang kaunti at pupunta sa 1 Thessalonians 4:17-18, Paul is addressing the Thessalonian Christians regarding the second coming of Jesus Christ. In these verses, Paul is describing what is often referred to as the “rapture”:
“Then we who are alive, who are left, will be caught up in the clouds together with them to meet the Lord in the air, and so we will be with the Lord forever. Therefore encourage one another with these words.”
According to this passage, we are encouraged to comfort each other and not scare one another. Sa pagbabalik ni Hesus, those who have died in faith will be resurrected, and those who are still alive will be caught up to meet the Lord in the air. The idea is that believers will be united with Christ and with one another, and they will be with the Lord forever. The main message of these verses is the hope and encouragement that Christians can derive from their belief in the return of Jesus.
Certain Return: Verses 28-32
The Second Coming of Jesus is both certain and uncertain. Walang nakasaad na eksaktong petsa, pero nasasaad na tiyak na magaganap ito. Ni-reassure Niya tayo: “Heaven and earth will pass away, but my words will not pass away. But about that day or hour no one knows, neither the angels in heaven, nor the Son, but only the Father.”
So ano ang mahalagang mensahe rito? Umatras tayo nang kaunti sa Mark 13:22. “For false messiahs and false prophets will appear and produce signs and omens, to lead astray, if possible, the elect.” Mag-ingat tayo sa mga nagpapanggap na Messiah, nagkikristu-kristuhan, nagpapanggap na tagapagligtas at nagbibigay ng eksaktong petsa ng Pagbabalik ni Hesus para lamang perahan ang mga taong dati nang walang pera at marurupok ang pananampalataya.
Sa madaling salita, only God knows when Jesus will return. So, habang naghihintay, let there be a reflection of His teachings in our actions, teachings about kindness, compassion, and love. Huwag tayong magpalaganap ng false hope. Magpalaganap tayo ng pag-asang hindi paasa.
Preparing for His Return: Verses 33-37
Marami sa atin ang naniwala sa existence ni Santa Claus noong mga bata pa lang tayo. Pinaasa tayong may makukuhang regalo kapag naging masunurin tayo sa ating mga magulang. Maaari nating ihalintulad ang paghahanda sa Pagbabalik ni Hesus sa paghahanda sa pagdating ng mga regalo ni Santa Claus.
Sa mga bata, sinunod ba nila ang mga magulang nila nung pinapatulog sila sa hapon? Sa ating mga matatanda, sinunod ba natin si Hesus nang inutusan Niya tayong huwag magtulug-tulugan sa gitna ng kawalan ng hustisya?
Sa mga bata, naging mabuti ba silang kaibigan sa mga kalaro nila? Sa ating mga matatanda, naging mabuti ba tayo sa ating mga kaibigan, at hindi ba natin sila pinaglaruan?
Sa mga bata, minahal ba nila nang sapat ang mga kapatid nila sa pag-asang makakakuha sila ng regalo sa Pasko? Sa ating mga matatanda, niregaluhan ba natin ng pag-asa ang mga kapatid natin sa pananampalataya at pakikibaka, o minamahal lang natin sila sa tuwing may inaasahan tayong kapalit?
How do we prepare for the Coming of Jesus? Through hope. Hope encourages personal transformation. In preparation for the Coming of Jesus, we are called to examine our lives, seek forgiveness for our shortcomings, and strive for spiritual growth. Hope guides us to live in accordance with the values and teachings of our faith.
As we cultivate hope, we are also reminded of the importance of love and compassion for our neighbors. Just as Jesus taught us to love one another, our preparation involves reaching out to those around us and extending kindness to our community. Do we sow seeds of hope, or do we exploit people? In our quest for spiritual truth, do we capitalize on others’ vulnerability, neglecting to seek context, just to foster a sense of superiority or self-validation? Dapat nating tandaan na ang pag-ibig sa kapwa ay hindi lamang isang panuntunan, kundi isang tawag na gawin itong bahagi ng ating bawat kilos at desisyon. Huwag natin itong gamitin para sa sariling interes lamang.
The good news is, there is hope. And kung hahanapin lang natin ito nang maigi, we can find it everywhere, even in our struggles. Sabi nga sa isang sikat na kantang pang-Pasko:
Kung kailan pinakamadilim
Ang mga tala ay mas nagniningning
Gaano man kakapal ang ulap
Sa likod nito ay may liwanag
At kung pagbabasehan natin ang pagkakalarawan ng Biblia sa Pagbabalik ni Hesus, malinaw na Siya ang liwanag sa likod ng makakapal na ulap na ‘yon.
There is hope. And the best part is, it’s coming back — because Jesus is hope… and He is coming back.
Pero hindi rason ang pagkakaroon ng pag-asa para maging kampante tayo. Ang sabi nga sa huling bahagi ng focus passage natin ngayong araw, “Keep awake — for you do not know when the master of the house will come.”
Babalikan ko ang unang tanong: Importante bang malaman kung kailan talaga magaganap ang Pagbabalik ni Hesus? No. Pero pwede natin itong paghandaan, lalo na’t kay Kristo na mismo nanggaling: “Be alert; I have already told you everything.”
Importante bang malaman kung kailan talaga magaganap ang Pagbabalik ni Hesus? No. Pero sa Pagbabalik ni Hesus, may isang tanong na kailangan nating paghandaan: Habang hinihintay mo ang pagdating Niya, naging bukal ka ba ng pag-asa, o puro ka lang paasa?
Christ has died. Christ is risen. Christ will definitely come again. Gusto kong sabihing mapapalad kayong naririto ngayon dahil natanggap ninyo ang magandang balitang may pag-asang kalakip ang Muling Pagdating ni Hesus. Ang hamon ko ngayon sa inyong lahat, sa paglabas ninyo sa pintuang ‘yan, nawa ay kayo naman ang maghatid ng magandang balita sa mga taong makakasalamuha ninyo — lalo na silang mga nawalan ng pag-asa sa buhay, silang mga walang pang-noche buena, at silang mga may pang-noche buena pero walang pamilyang makakasalo.
Para sa marami sa atin, ang Pasko ang pinakamagandang kwento. Pero para sa mga walang paniniwala at nawalan ng ganang maniwala, mahirap masilayan ang ganda ng kwento ng Pasko. Ilang araw na lang, ipagdiriwang na natin ang Kapanganakan ni Hesus. Sana maging Santa Claus tayo sa kapwa natin — lalo na sa kanilang hindi na makita ang ganda ng kwento ng Pasko — pero ‘yong tipo sana ng Santa Claus na walang hinihinging kapalit. ‘Yong Santa Claus na kaya pa ring magregalo ng pagmamahal at pag-asa kahit ang hirap mahalin ng taong pagbibigyan niya.
Podcast: Play in new window | Download
Subscribe: Apple Podcasts | Spotify | RSS