Let Us Give Birth To Love

Nang pasimula, naroon na ang tinatawag na Salita. Ang Salita ay kasama ng Dios at ang Salita ay Dios. Sa simula paʼy kasama na siya ng Dios. Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang Salita ang pinagmumulan ng buhay, at ang buhay na itoʼy ilaw, dahil ito ang nagbibigay-liwanag sa mga tao. Ang ilaw na itoʼy nagliliwanag sa kadiliman, at hindi ito nadaig ng kadiliman.

Nagkatawang-tao ang Salita at namuhay na kasama natin. Nakita namin ang kadakilaan niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Puspos siya ng biyaya at pawang katotohanan ang mga sinasabi niya.

Scripture Reading
Juan 1:1-5,14 (ASND)

Nang mga panahong iyon, ang Emperador ng Roma na si Augustus ay gumawa ng kautusan na dapat magpatala ang lahat ng mga mamamayan ng bansang nasasakupan niya. (Ito ang kauna-unahang sensus na naganap nang si Quirinius ang gobernador sa lalawigan ng Syria.) Kaya umuwi ang lahat ng tao sa sarili nilang bayan upang magpalista.

Mula sa Nazaret na sakop ng Galilea, pumunta si Jose sa Betlehem na sakop ng Judea, sa bayang sinilangan ni Haring David, dahil nagmula siya sa angkan ni David. Kasama niya sa pagpapalista ang magiging asawa niyang si Maria, na noon ay malapit nang manganak. At habang naroon sila sa Betlehem, dumating ang oras ng panganganak ni Maria. Isinilang niya ang panganay niya, na isang lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa sabsaban, dahil walang lugar para sa kanila sa mga bahay-panuluyan.

Malapit sa Betlehem, may mga pastol na nasa parang, at nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga tupa. Biglang nagpakita sa kanila ang isang anghel ng Panginoon, at nagningning sa paligid nila ang nakakasilaw na liwanag ng Panginoon. Ganoon na lang ang pagkatakot nila, pero sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot dahil naparito ako upang sabihin sa inyo ang magandang balita na magbibigay ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Sapagkat isinilang ngayon sa Betlehem, sa bayan ni Haring David, ang inyong Tagapagligtas, ang Cristo na siyang Panginoon. Ito ang palatandaan upang makilala ninyo siya: makikita ninyo ang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.”

Pagkatapos magsalita ng anghel, biglang nagpakita ang napakaraming anghel at sama-sama silang nagpuri sa Dios. Sinabi nila,

“Purihin ang Dios sa langit! May kapayapaan na sa lupa, sa mga taong kinalulugdan niya!”

Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, nag-usap-usap ang mga pastol, “Tayo na sa Betlehem at tingnan natin ang mga pangyayaring sinabi sa atin ng Panginoon.” Kaya nagmamadali silang pumunta sa Betlehem at nakita nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. At isinalaysay nila ang mga sinabi sa kanila ng anghel tungkol sa sanggol. Nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. Pero iningatan ito ni Maria sa kanyang puso, at pinagbulay-bulayan ang lahat ng ito. Bumalik sa parang ang mga pastol na labis ang pagpupuri sa Dios dahil sa lahat ng kanilang narinig at nakita, na ayon nga sa sinabi ng anghel.

Scripture Reading 2
Lucas 2:1-20 (ASND)

When Jesus was born, hindi naman talaga happy. Hindi happy, kasi nga, archeologically speaking, there’s about sixty to seventy percent of the population in Judea Palestine dying of starvation. ‘Yan ang reality noong panahon ni Hesus. Which is not really so much different from our time today, because two thousand years ago, according to the story of Matthew, the innocents are being killed. Mga two thousand years after, twelve thousand to fifteen thousand Palestinians have been killed in Gaza, and half of those are children. Today, there’s a murder of the innocents in the very land where Jesus was born.

But the good news of the story is not that everything suddenly became well and good. The good news of the Christmas story is not that everything, all of a sudden, became okay. The good news is that, sa lahat ng nangyayari in all the evil things that were happening, God decided to join us.

God decided to go on an immersion. Nag-immersion ang Diyos, by becoming flesh. Nag-imersion for thirty-three years. God went on immersion, and never went back.

And then, isa pang good news, especially for us LGBTQIA+, the good news is that Christmas: God becoming flesh, God becoming human – is the queerest thing of them all.

The other monotheistic religions could not understand when Christians say “human is God,” or “God became human.”

The creator of the human, of the universe is beyond human condition. And yet, for us Christians, God surprised us. And what is the most impossible thing, the most queer thing, the weirdest thing of them all, happened.

Nagkatawang tao. Nagkaroon ng katawan ang Diyos. God was gendered, in human flesh.

The Christian doctrine of the incarnation na pinagtalun-talunan ng mga obispo noong year 325, is queer.

The virgin birth is queer. The story of a virgin who gives birth is queer.

At isa pang queer na bagay tungkol sa kapanganakan ni Hesus: dalawa ang nanay niya, dalawa ang tatay niya. Mary, and the Holy Spirit as female (“ruach” in Hebrew – gendered, at least in the language) are the two mothers. God The Father and Joseph are the two fathers.

So this is a queer family. It is a queer story. Christmas is a queer story of a queer family.

Have you ever felt being totally and absolutely alone? Have you ever felt or experienced being totally absolutely desperate? Then, by some way or somehow, someone decided to be there for you? When all was lost, someone held your hand, or someone said words of encouragement? Someone who decided to be there for you when no one else did? Someone who inspired you or pushed you? Someone who believed in your potential when no one else did?

‘Yan ang Christmas. ‘Yan ang incarnation. ‘Yan ang Pasko.

God coming to us, not necessarily to solve everything, but God coming to us, joining us in our pain and suffering. To join us in our despair and anxiety. God experiencing every sh*t and f*cked up human condition.

So, no matter what you have experienced before, and what you are experiencing now, God has already become human, and God’s promise through Jesus, is that he will always be with you. And God will be incarnated, will be embodied in every person you will counter. Every person who will choose to be there for you. Every person, every friend, or even a stranger who will listen to you, help you, inspire you, encourage you, push you, or hold your hand.

‘Yan ang mensahe ng Pasko. Pero ‘yan din ang hamon ng Pasko.

The challenge of Christmas is to always give birth to Jesus in our lives everyday. The call of Christmas is for us to also choose to be present. To be Emmanuel to others, to be God’s presence in others, in this community and outside, beyond.

Hindi naman hinihingi sa atin na solusyonan ang lahat ng problema ng mundo. But we can choose, like God, to at least be present. To at least be there.

‘Yan sana ang bitbitin natin sa taong 2024: to be present in each other’s lives. To be present in the lives of other people.

And so when we choose to be with someone, like Christ, like Jesus, let’s do it in the queerest possible way. Because Christmas, whether they like it or not, is queer, and it is God’s queerness manifesting.

Darating na naman ang 2024. We hope for a better year for each of you. Alam kong ang bawa’t isa sa atin ay may kaniya-kaniyang mga pinagdadaanang problema and challenges sa buhay.

Let us hope for a better 2024, and that we can be the strength and encouragement of one another, anuman ang mangyari sa 2024. Laban lang. And just be together.

Let us always, always be together. In the queerest possible way. Amen.


Open Table MCC is a church for all, including LGBT+ people. All are welcome! Sign up for our newsletter to receive the latest news and events from our church community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *