At that time the Festival of the Dedication took place in Jerusalem. It was winter, and Jesus was walking in the temple, in the portico of Solomon. So the Jews gathered around him and said to him, “How long will you keep us in suspense? If you are the Messiah, tell us plainly.” Jesus answered, “I have told you, and you do not believe. The works that I do in my Father’s name testify to me, but you do not believe because you do not belong to my sheep. My sheep hear my voice. I know them, and they follow me. I give them eternal life, and they will never perish. No one will snatch them out of my hand. My Father, in regard to what he has given me, is greater than all, and no one can snatch them out of the Father’s hand. The Father and I are one.”
John 10:22-30 NRSVUE
Three weeks after the Resurrection of the Lord, the Church today in the fourth week of Easter celebrates Good Shepherd Sunday, Jesus the Good Shepherd. Noong nakaraang Linggo, nabanggit natin ang hamon ni Hesus kay Pedro patungkol sa kawan ni Hesus. Kanina, binasa natin ang tugon ni Hesus sa mga Hudyo sa kanilang katanungan sa kaniyang katauhan. “Wag mo nang patagalin pa. Sagutin mo kami ngayon, ikaw ba ang Christ (Mesias)?” Sabi ni Hesus:
“Di ba sinabi ko na sa inyo? Pero ayaw nyong maniwala. Yung mga bagay na pinapagawa sa akin ng Tatay ko ang nagsasabi kung sino ako. Pero di kayo naniniwala sa akin kasi hindi ko kayo tupa.
John 10: 25-26, Pinoy Version
Balikan natin ano nga ba ang ideya ni Hesus sa pagiging pastol gayundin ang pagkalinga niya sa kaniyang kawan. Sa talata isa hanggang labing-walo ng Ebanghelyo ni Juan, makikita natin kung paano ipakilala ni Hesus ang sarili niya sa pamamagitan ng mga tayutay o metaphors.
Ang mga larawan na ipininta ni Hesus dito ay malinaw na hango mula sa isang agrikultural na komunidad sa Palestina. Ang kawan ay nasa bukid o lupain, protektado ng mababang bakod na gawa sa bato (sheepfold). Sa gabi, ang mga pastol ay nasa mga tolda. Pagdating ng umaga, ilalabas nila ang kawan sa damuhan at sa batisan.
Ang Pintuang Daraanan:
Dalawang beses niyang sinabing siya ang “pintuang dinaraanan ng mga tupa (vv 7, 9).” Kung naaalala natin noong mga nakaraang linggo, malakas ang emphasis sa ideya na si Hesus and daan. He is the way. Walang ibang daan maliban sa kaniya. Ang ideya na ito ay narereflect sa kanya bilang pintuang daraanan ng mga tupa.
Ang mga pastol ng mga tupa ay dumaraan sa kaniya. Ang mga Pariseo, o sinumang nagnanais na manguna sa mga tupa, na hindi dumaraan sa pinto na si Hesus ay mga tulisan–mga tulisan na ang tanging nais ay “magnakaw, pumatay, at manira” (10:10a).
So, kung hindi ayon sa daan na itinuturo ni Hesus, kung hindi lumalakad sa kaniyang ang mga humahatak sa mga tupa, mga tao, malamang tulisan ang mga ito. Maging mapanuri, maging mapagmatyag. Gamitin ang isipan sa pagtatasa sa mga tao at lider ng lipunan.
Ang Mabuting Pastol:
Bukod dito, dalawang beses ring sinabi ni Hesus na siya ang mabuting pastol (vv 11, 14). “Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa (MBBTag).” Dalawang beses nya ring sinabi ito, ibig sabihin, binibigyang diin. Hindi ganito ang mga upahan, ayon sa kaniya. Iiwan nila ang mga tupa sa oras ng sakuna at panganib.
Kilala rin ng pastol ang kaniyang mga tupa, ang kaniyang kawan. Ginamit nya rin ang pagkakakilala nila ng kaniyang ama sa pagkakakilala niya sa mga tupa.
Kilala ng aking mga tupa ang boses ko, kilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan at never silang mamamatay. Walang makakaagaw ng mga ito sa akin.”
John 10: 27-28, Pinoy Version
This intimate knowledge of his flock, which involves love, is his reason for laying down his life for them. Ito ang nagpapaiba sa kaniya sa mga nagkukunwaring mga pastol.
Ang tanong: ang mga nagsasabing mga pastol ba ang handing ialay ang kanilang mga buhay para sa mga tao? Hindi ba nila iiwan ang mga ito sa oras ng panganib, sakuna? Alam ba ng mga di umanong pastol ang ngalan at pangangailangan ng mga tao? O kunukuhaan lamang ng ganansya para sa kanilang sariling kapakanan.
Ang Pangakong Buhay Para sa mga Tupa:
Bilang pintuang daraanan ng mga tupa para makapasok at mabigyan ng proteksyon, gayundin upang lumabas para sa probisyon sa batisan at damuhan. Bilang mabuting pastol, prayoridad niya ang pagkalinga at pagpapanatili ng buhay ng Kawan. Handa Nyang ibigay ang sarili para sa iba. Kung gayon, ang pintuan ang daan para sa buhay; ang pastol ang tagapanatili nito.
Buhay ang isa sa pangunahing tema ng ebanghelyo ni Juan. Matatandaan na sa aklat ng Juan, paulit-ulit na sinasabi ni Hesus na sa kanya nagmumula ang buhay. Sa kabanata 1, siya ang logos, ang Salita na kasama sa paglikha. Gumamit din siya ng iba pang tayutay upang ipaliwanag ito. Siya ang tubig ng buhay, tinapay ng buhay, at pintuan/daan ng buhay. Dalawampu’t apat sa animnapung beses na binanggit ang zoe, life, sa Christian Testament ay mula sa Ebanghelyo ni Juan.
Flourishing, Eudaemonia, Shalom, Ginhawa:
Sa John 10:10, sinabi ni Hesus na, di tulad ng mga tulisan na nais “magnakaw, pumatay, at manira” (10:10a), naparito sya upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos. I came that you may have life and have it to the full. Isang buo at mabungang buhay, iyang ang nais para sa ating lahat. This is what Jesus wanted us to have.
The theme of the flourishing of us, humans, is central in philosophies around the world. The Greeks have the term eudaemonia (good demon). Sa kanyang tanyag na akdang “The Republic,’ ipinagtatanggol ni Plato na ang pangunahing layunin ng buhay ng tao ay makamit ang eudaemonia, isang kalagayan ng kaligayahan at kasiyahan na tanging makakamtan lamang sa pamumuhay nang may kabutihang-asal. Kanyang itinataguyod ang four cardinal virtues—wisdom (karunungan), courage (tapang), justice (katarungan), and temperance (pagpipigil sa sarili)—na ayon sa kanya ay mahalaga upang makamit ang eudaemonia. Naniniwala si Plato na ang mga virtues na ito ay magkakaugnay at hindi maaaring umiral ang isa kung wala ang iba. Dagdag pa rito, ipinapahayag niya na ang mga kaugaliang ito ay hindi likas sa tao kundi maaaring matutunan at malinang sa pamamagitan ng edukasyon at pagsasanay. Mahalaga ang pag-aaral at ang sining para sa kaniya. Ang musika, sayaw, pagguhit, paglilok, pagawit, pagsusulat, panitikan, at iba pa ay ang nagpapa-refine, o naglilinang sa mga tao. Ngunit, sino nga lang ba ang nakakakamit o nagkakaroon ng pribilehiyo para magkaroon ng edukasyon, lalo na sining, noong panahon nila? Tanging mayayaman at mga maharlikha lamang. So, tayong mga aba, mga dukha, ay walang shot sa isang buhay na buo, sa ganitong pilosopiya. Kulang ang pagkatao natin dahil di natin afford ang edukasyon sa academy, sa gumnaze/gymnasiums.
On our previous preachings we also discussed about shalom. Shalom, in the Jewish mind, is being complete, wholeness. Hindi lamang ito kapayapaan sa gitna ng kaguluhan. Shalom is not only something an individual can have. It is an experience for the whole community–a promise of restoration, wholeness, fullness. It is communal. Kaya nga Kawan, flock, lahat. Shalom is the welfare and health of peoples, and nations. I believe this is at the back of the mind of Jesus when he declared what he wanted for his flock: a life lived to the fullest.
Tayong mga Pinoy, madalas naririnig natin ang mga matatanda na “Giginhawa rin tayo.” “Ang gusto ko lang naman ay guminhawa.” Kung uugatin natin, ang ginhawa ang ultimate goal, ang layunin ng mga social at economic functions ng iba’t ibang uri ng tao sa barangay. Layunin ng datu na mapamunuan ang komunidad para sa ginhawa ng mga tao. Ang mga bayani o mandirigma ay nagbibigay ng proteksyon para sa ginhawa. Ang mga babaylan ay ipinapanatag ang kanilang katawan, espiritu, at kaisipan-mga elemento ng ginhawa. Kahit nga ang mga panday ang lumilikha para sa kaginhawaan ng mga tao.
Kapag narinig din natin ang “giginhawa rin tayo,” makikita rin natin ang dalawang bagay. Una, na ang ginhawa ay pag-asa para sa mas maayos na kinabukasan. Pangalawa, ang kasalukuyan ay hindi ideal. Walang ginhawa. Sa realidad ng buhay natin ngayon, alam natin na walang kaginhawaang nararanasan ang mga tao at nananatiling pangarap at panalangin ang ginhawa.
Madalas, ang dahilan ng kawalan ng kaginhawaan ay ang mga kawatan na nagkukunwaring mga pastol. Serbisyong panlipunan daw ngunit nagkakamal ng lupaing sakahan, nagpapamahal ng tubig na inumin, walang ginagawang maayos sa daan. Imbes na ayusin ang agrikultura upang mas maraming maisakong bigas at ani, nagkakamal ng kayamanan mula sa kaban ng bayan. Para raw mas gumanda ang serbisyo ng tubig, kuryente, gas, at maging mga pagamutan, ipagkatiwala sa pribadong sektor. Ayun, wala tayong laban sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing serbisyo. Ikagugutom na natin na walang natitira sa atin sa pamasahe at bilihin. Ikinamamatay na natin ang init ng panahon, ang pagtitiis sa sakit dahil walang silbi rin naman ang mga dinededuct satin buwan-buwan kung tayo ay maratay sa banig ng karandaman. Binabansot ang paglago ng isipan natin sa pagshoshortcut sa edukasyon at sa pangungurakot sa mga pondong dapat sana ay para sa libro, pasweldo sa guro, at classroom. Ubusin ba naman in eleven days ang 125 million. Nagtitiis tayo sa drama ng kadiliman, kasamaan, at kaitiman. Wala tayong pinunong masusumpungan. Wala tayong pastol na magbibigay ng sariling buhay niya para sa kawan. Naiiwan tayong nagiisa.
Paglalagom:
Timing na timing ang Good Shepherd Sunday sa panahon natin ngayon. Para bang pinapaalalahanan tayo ng simbahan, ng sangkalangitan, sa mga tungkulin natin sa kawan. Ang lahat ng readings sa lectionary ngayong araw na ito ay patungkol sa pagkakaroon ng buhay at ang pagiging mabuting pastol. Sa aklat ng mga Gawa, ipinakita kung paanong ang mananampalatayang si Dorcas o Tabitha, na nagbibigay buhay sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa, ay binuhay na maguli sa pamamagitan ng himala. Iniawait sating muli ang salmo 23 at pinaalalahanan tayo na ang Diyos ang mabuting pastol na nagbibigay buhay, at kasama natin hanggang sad ulo nito. Sa Revelations 7:17, sinabi na
“the Lamb at the center of the throne will be their shepherd,
and he will guide them to springs of the water of life,
and God will wipe away every tear from their eyes.”
Dumadaloy ang buhay, ang shalom, ang kaginhawaan sa pamamagitan ng mabuting pastol.
Nagkaroon na ng bagong santo papa ang mga kapatid nating Katoliko. Nitong mga nakaraang araw, pinagmumunian ko ang buhay ni Pope Francis. Binalikan ko rin ang ilang mga sinulat niya, particularly, yung Evangelii Gaudium, the Joy of the Gospel. Iba kasi ito dun sa aggressive evangelism na kinagisnan ko. Sabi niya. “To evangelize is to make the kingdom of God present in our world (176)” tapos nun nagfocus siya sa social dimension ng evangelization: pagbasa sa social situation, pagharap sa mga social questions, pagbibigay ng halaga at focus sa mga mahihirap sa lipunan. “Our faith in Christ, who became poor, and was always close to the poor and the outcast, is the basis of our concern for the integral development of society’s most neglected members (186).” Isa sa pundasyon na tinayuan niya ang John 10:10. Sabi niya, “The proclamation of the gospel will be a basis for restoring the dignity of human life… for Jesus desires to pour out an abundance of life upon our cities. The unified and complete sense of human life that the Gospel proposes is the best remedy for the ills of our cities… (75).”
Ang pagtaguri kay Francis bilang shepherd of the unwanted ang, sa tingin ko, ay pinakamataas na taguring ibinigay sa kaniya. Ito rin kasi ang turing kay Hesus. Hindi naman glamorosang trabaho ang pagpapastol. Isa ito sa mga pinakamababang uri ng larangan noong panahon nila. It is not glorious. “Laying down one’s life” may sound virtuous, but it is awfully painful. Being a shepherd is unglamorous, and thankless leadership.
“Involved by word and deed in people’s daily lives, bridges distances, willing to abase itself if necessary, and it embraces human life, touching the suffering flesh of Christ in others, evangelizers thus take on the ‘smell of the sheep’ and the sheep are willing to hear their voice (24).” Be shepherd that smells like sheep, Pope Francis encourages the faithful.
Each of us faces the challenge of guiding and caring for others in different roles—whether we are leading and supporting our families, mothering our nakshies, supporting attendees and members of Open Table, or looking after neighbors, coworkers, or members of the broader community. It can be in the form of bringing coffee or meal prepping food for our loved ones who are tired and sleepy even if we are sleepless and overworked ourselves. It is volunteering for HIV awareness organizations knowing how fearful it can be to be positive. It is volunteering in Pride Cares because we know how tough it can be for our queer siblings during calamities and disasters. Smelling like sheep is smelling like shit yet we press on because we want to give people the best life they can possibly have.
Ngayong Good Shepherd Sunday, ipanalangin din natin ang mga lider ng simbahan. Si Pope Leo XIV na nawa ay piliin ang landas ng mabuting pastol, piliin niya ang landas, hindi ng mga hinirang, kundi ng mga hinaharang sa buhay na may kaginhawaan. Ang nalalapit nating pagpili ng mangunguna sa Metropolitan Community Church sa nalalapit na General Conference. Ipanalangin din natin ang mga lider ng ating DIY church na kasihan nawa sila ng Diwang Banal sa lahat ng mga desisyon, panawagan, at plano sa ating simbahan.
Podcast: Play in new window | Download
Subscribe: Apple Podcasts | Spotify | RSS