Si Manong Hesus

Minsan ko na narinig sa mga evangelicals (na mostly tahimik today) ang chika, “let Jesus take the wheel.” May kanta pa nga yan.

Well, true yan. Jesus is really driving the wheel every single day. Maraming mga Hesus sa lansangan ang kumakayod at nagpapakahirap bilang mga tsuper ng jeep. Sila ang nagdadala sa atin sa ating mga upisina, paaralan at maski mga simbahan pag araw ng Linggo. Bago pa sumikat ang araw nagmamaneho na sila kasabay ng maraming mga manggagawa at estudyante.

Sabi rin nila iconic at bahagi na ng ating kultura ang makukulay na jeepney. Maraming mga pelikula ni FPJ, merong jeep. Kung hindi ako nagkakamali may pelikula syang jeepney at taxi driver sya. Pero luma na daw ang mga makukulay na jeepney. Hindi na daw ito environmental. Huwaw bigla silang naging climate-champions. Hindi na rin daw ito road-safe. Siguro meron namang katotohanan yan. At sino ba naman ang gustong paulit-ulit na gumamit nang luma at madaling masira kung meron pwedeng ipalit.

Hindi tutol ang maraming mga manong Hesus sa modernization. Pero kung ang paraan ng modernization na itinutulak sa kanila ay para lamang pagkakitaan sila at lalong pahirapan, hindi ito katanggap-tanggap. Gustong igiit sa mga manong Hesus ang napakamahal na imported na jeepney kahit pwede namang gawang lokal na mas mura at mas makakatulong sa lokal na ekonomiya. Gustong itulak ang modernisasyong ng jeepney pero Hanggang ngayon walang plano na ipapalit sa bulok na pangkalahatang sistema ng transportasyon sa ating bayan. Hanggang ngayon ang sistema ng pagkuha o renew ng lisensya at plaka ay delayed at palyado.

Malinaw na sa usapin ng jeepney modernization gusto lamang pagkakitaan at pahirapan ang mga manong Hesus.

Hindi kasalanan ni manong Hesus kung sya ngayon ay umaaray at nagproprotesta. Wag natin silang sisihin sa transport strike. Bagkus samahan natin si manong Hesus at makiisa sa kanya at sa mga kasamahan nya na ipanawagan ang mas maayos, mas komprehensibo at mas makatao at maka-Pilipinong modernisasyon.

Bilang taga-sunod ni Kristong kasama at kakampi ng mga tsuper, samahan at kampihan natin ang maraming mga manong Hesus na nagproprotesta sa linggong ito.

Ang pananamplatayang walang pakielam sa kapwa ay huwad.


Open Table MCC is a church for all, including LGBT+ people. All are welcome! Sign up for our newsletter to receive the latest news and events from our church community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *