Ang ikatlo at huling maipapayo ko, makisangkot ka. Ang buhay na hindi inilaan sa kapakanan ng iba ay parang lantang gulay o bilasang isda na walang nakinabang. Huwag kang kuripot. Ibigay mo ang buhay mo sa iba, maski na paminsan-minsan lang. Pumunta ka sa mga bukid, sa mga minahan, sa mga bundok, sa mga batang lansangan, sa mga home for the aged, sa mga inulila ng digmaan. Magtanong ka kung anong maitutulong mo. Magkaroon ka ng boses. Ng opinion. Mundo mo ito. Di ka parang hanging nagdaan lang. Mag-iwan ka ng marka. ‘Yang hawak mong Diploma, para yan sa iba, hindi yan para sa’yo. Isa sa pinakamakulay at pinakamahalagang bahagi ng buhay ko ay nang maging aktibista ako noong panahon ng martial law. Lahat ng mga personal na ambisyon ay kinalimutan ko. Ang buong buhay ay inilaan ko na para sa iba, para sa bayan. Nakulong ako nang isang taon sa Fort Bonifacio. Minsan sa gabi ay naiisip ko pa rin, paano na ang mga pangarap ko? Hindi na ba matutupad? But in the end I realized it was all worth it. Dahil wala nang sasarap pa kaysa sa pakiramdam na hindi lahat ng ginawa mo ay para sa sarili mo lamang. Lagi nila akong tinatanong. Ba’t ka nagbibigay ng libreng workshop mula pa noong 1982? Napakahirap at madalas ay napapabayaan ko ang mga personal kong projects tuwing nagpapa-workshop ako. Pero hindi lang ang mga workshopper ko ang natututo, natututo rin ako. Nakikita ko ang sarili ko sa kanila at sa paunti-unti nilang pag-unlad ay umuunlad din ako. Naniniwala kasi ako na kapag nagbigay ka nang walang hinihintay na kapalit, ngingiti sa’yo ang mundo, ibabalik sayo ang ibinigay mo sa mga paraang hindi mo inaasahan.
Ricky Lee Commencement Speech for the Graduating Class of 2020
(Courtesy of Project Yearbook PH)
One day Jesus told his disciples a story to show that they should always pray and never give up. “There was a judge in a certain city,” he said, “who neither feared God nor cared about people. A widow of that city came to him repeatedly, saying, ‘Give me justice in this dispute with my enemy.’ The judge ignored her for a while, but finally he said to himself, ‘I don’t fear God or care about people, but this woman is driving me crazy. I’m going to see that she gets justice, because she is wearing me out with her constant requests!’”
Then the Lord said, “Learn a lesson from this unjust judge. Even he rendered a just decision in the end. So don’t you think God will surely give justice to his chosen people who cry out to him day and night? Will he keep putting them off?
Scripture Reading:
Luke 18:1-7 (NLT)
Podcast: Play in new window | Download
Subscribe: Apple Podcasts | Spotify | RSS