Easter: The Walk To Emmaus Part 3

Now on that same day two of them were going to a village called Emmaus, about seven miles from Jerusalem, and talking with each other about all these things that had happened. While they were talking and discussing, Jesus himself came near and went with them, but their eyes were kept from recognizing him. And he said to them, “What are you discussing with each other while you walk along?” They stood still, looking sad. Then one of them, whose name was Cleopas, answered him, “Are you the only stranger in Jerusalem who does not know the things that have taken place there in these days?” He asked them, “What things?” They replied, “The things about Jesus of Nazareth, who was a prophet mighty in deed and word before God and all the people, and how our chief priests and leaders handed him over to be condemned to death and crucified him. But we had hoped that he was the one to redeem Israel. Yes, and besides all this, it is now the third day since these things took place. Moreover, some women of our group astounded us. They were at the tomb early this morning, and when they did not find his body there they came back and told us that they had indeed seen a vision of angels who said that he was alive. Some of those who were with us went to the tomb and found it just as the women had said, but they did not see him.” Then he said to them, “Oh, how foolish you are and how slow of heart to believe all that the prophets have declared! Was it not necessary that the Messiah should suffer these things and then enter into his glory?” Then beginning with Moses and all the prophets, he interpreted to them the things about himself in all the scriptures.

As they came near the village to which they were going, he walked ahead as if he were going on. But they urged him strongly, saying, “Stay with us, because it is almost evening and the day is now nearly over.” So he went in to stay with them. When he was at the table with them, he took bread, blessed and broke it, and gave it to them. Then their eyes were opened, and they recognized him, and he vanished from their sight. They said to each other, “Were not our hearts burning within us while he was talking to us on the road, while he was opening the scriptures to us?” That same hour they got up and returned to Jerusalem, and they found the eleven and their companions gathered together. They were saying, “The Lord has risen indeed, and he has appeared to Simon!” Then they told what had happened on the road and how he had been made known to them in the breaking of the bread.

Luke 24:13-35 NRSVUE

INTRODUKSYON

Tayo ngayon ay nasa ikatlong bahagi ng ating serye. Pangatlong beses na rin nating binabasa at naririnig ang Gospel mula kay Luke, ang kwento ng paglalakbay patungong Emmaus. At gusto ko kayong tanungin: Ano ang naging impact ng marinig ito sa pangatlong pagkakataon? May nabago ba sa mensahe? Meron ba kayong bagong napulot mula sa kwento na hindi pa natin napag-uusapan sa nakaraang dalawang linggo?

Ang tema natin sa araw na ito ay “Christ in Our Meals”—si Kristo sa ating mga hapag.

PAGBABALIK-TANAW SA PARTS 1 & 2

Pero bago ang lahat, magbalik-tanaw muna tayo sa nakaraang dalawang linggo. Sinamahan natin sina Cleopas at ang kanyang mga kasama sa kanilang paglalakbay, at sa prosesyong iyon, tila tayo rin ay naglakbay kasama nila.

Sa Part 1, napag-usapan natin ang kahalagahan ng pagiging present sa ating journey. Madalas sa bigat ng ating dinadala—mga responsibilidad, problema, at mga bagay na hindi natin kontrolado—nakakalimutan nating huminto at namnamin ang kasalukuyan. Tulad ng dalawang disciples, hindi nila napansin na si Jesus ay kasama nila sa daan all along sa kanilang journey. We learned that Emmaus is not just a place; it is a state of being. A moment where our disappointment meets God’s divine presence. At kahit tayo ay tila naglalakad palayo sa pag-asa, si Kristo ay lumalapit sa atin, sinasamahan tayo sa bawat hakbang.

Napag-usapan din natin ang involvement ng kababaihan sa journey ng historical Jesus—mula sa pagpondo ng mga ministry ni Jesus, sa kanyang crucifixion, hanggang sa pagkabuhay niyang muli, at sa pagbabahagi ng unang Gospel. Women were always there.

Sa ikalawang bahagi naman, nakita natin na si Hesus ay hindi lamang kasama sa ating paglalakbay kundi pati sa ating pakikipamuhay sa kapwa. Through conversations with others, with our community, and even with ourselves, we encounter Christ. I also shared about the importance of clarity through inner work gamit ang M.I.C.K.: Motivate, Inspire, Cheer, Be kind. Mula sa book ni Coach Pia Acevedo na “Focus on What Matters”, we learned that if we don’t do inner work, we don’t just suffer alone; the people we love also encounter a compromised version of us.

Napag-usapan natin ang struggle ng pagiging [LGBTQ+]—[LGBTQ+] na nga, breadwinner pa! At kung bakit tila napakahirap para sa ating mga Pilipino ang mag-set ng boundaries sa ating mga mahal sa buhay. Hindi lang ito struggle ng [LGBTQ+] people kundi pati na rin sa ating straight allies. Ang pagsabayin ang pagiging anak, magulang, breadwinner, at tagapagtaguyod ng pamilya sa mga ganitong pagsubok. Mahalaga ang maayos na pag-uusap at pag-engage sa conversations that are uncomfortable but necessary.

PART 3: CHRIST IN OUR MEALS

Para naman sa ating ikatlong bahagi, ang ating tema ay “Christ in Our Meals.” Alam natin kung gaano kahalaga ang pagkain sa ating buhay upang tayo ay magkaroon ng lakas, makakilos, at makapagpatuloy sa ating journey. Gayun din kahalaga ang presensya ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Ang pagkain ay esensyal upang tayo ay mabuhay.

At kung babalikan natin ang naging paglalakbay ni Kristo kasama ang mga unang Kristiyano, malaking bahagi ng ministry ni Jesus ang umikot sa pagkain. Oh ‘di ba? Unlimited food! Sa ating Gospel nga, nakita natin na matapos silang magbahagi ng tinapay, doon lamang nila naunawaan na si Hesus pala ang kasama nila. Ito rin ang iniwan sa atin ni Kristo: “Sa tuwing pagsasaluhan ninyo ang tinapay at inumin, ako ay inyong alalahanin.” Bukod sa isang paalala, ito rin ay isang covenant, isang pangako na si Kristo ay kasama natin. Christ is revealed when the bread is broken.

Isa sa pinakasikat na miracle ni Jesus ay ang pagpapakain niya sa 5,000 katao, at ang kwentong ito ay makikita sa apat na Gospels. Meron ding kwento sa John 21:9-14, kung saan matapos mangisda si Peter at ang kanyang mga kasama, niyaya sila ni Hesus, “Come and have breakfast.” Sa mga oras na iyon, wala ni isa sa kanila ang nagtanong kung sino siya dahil alam nilang iyon ay si Kristo. Inabutan niya sila ng tinapay at isda. Ito ang ikatlong pagkakataon na nagpakita si Hesus sa mga disciples matapos siyang mabuhay muli.

Meron din sa Luke 5:29-32 kung saan si Hesus ay kumakain sa bahay ni Levi kasama ang ibang tax collectors. Dito, tinanong siya ng mga Pharisees at scribes, “Why do you eat with tax collectors and sinners?” Isang account kung saan pinili ni Kristo na makisalo at makisalamuha sa mga taong itinuturing na “unclean” at immoral noong panahon na iyon.

Let us also remember the best meal chika na matatagpuan din sa Luke 14:15-21, kung saan si Jesus ay inimbita sa isang banquet during Sabbath. Before this, he healed a man with dropsy, and he also challenged the religious leaders. Then someone said, “Blessed is anyone who will eat bread in the kingdom of God.” Then Jesus replied with the Parable of the Great Dinner. A man prepares a great banquet and invites many guests. At nang handa na, inutusan niya ang kanyang servant para papuntahin na ang mga ito. Ngunit wala ni isa sa kanila ang dumalo. At ang excuse? Sila ay busy bumili ng lupa, ng oxen, at ‘yung isa naman ay just got married. Umay, ‘no? So nagalit ngayon ‘yung host and told the servant to invite the poor, the crippled, the lame, and the blind instead of the wealthy friends who can repay them. Then the parable ends with a warning: “None of those invited will taste my dinner.”

Sa Jewish culture, very symbolic ang mga banquets at isa itong serious social commitment. Kaya deeply insulting na after mong mag-accept, biglang hindi ka pupunta. Ang parable na ito ay ginamit ni Jesus to speak about God’s invitation to the Kingdom, tungkol sa radical na hospitality at inclusion.

Malaking bahagi rin ng pagkain sa ating buhay. I mean, hello, not to state the obvious, isa sa aking love languages ay ang pagluto at paghain ng masarap na pagkain para sa aking mga mahal sa buhay. I also hold it as my personal advocacy ang magbahagi ng pagkain sa mga homeless whenever I am able. Para sa akin, ito ang pinakamadaling paraan upang iparamdam ang presence ni Kristong buhay, dahil ito rin ang mas kailangan nila sa mga sandaling iyon. Habang patuloy tayong lumalaban para sa mundo kung saan ang lahat ay binibigyan ng sapat sa araw-araw, ang mga kwentong ito ang nagpapaalala sa atin na Christ is present in our journey, in our conversations, and in our meals.

PAKIKIBAKA AT HUSTISYA

Siyang tunay, hindi ba? Ang mga kwentong ito ang ating realization sa pagbasa ng ating Gospel ngayon. Nakaraang dalawang linggo, ang kwento ng journey to Emmaus ay tila buod, isang summary at pagpapatotoo sa presensya ni Kristo sa ating buhay—ang kanyang presence with us by default. A presence that is ever inclusive, mapangyakap, at welcoming, tulad ng isang open table o bukas na hapag, regardless of our sexual orientation, gender identity, race, o katayuan sa buhay.

Si Kristo ay kasama natin every step of the way. Hindi lamang sa mga panahon ng festive at masaya, kundi lalo’t higit sa mga panahon ng kalungkutan, galit, at pagluluksa. Si Kristo ay kasama natin tuwing tayo ay nakikisangkot at nakikibahagi sa taunang Pride March, at sa iba pang pagkilos laban sa korupsyon at pang-aabuso; sa ating pakikiisa sa manggagawang Pilipino sa panawagan para sa nakabubuhay na sahod; sa pakikibaka ng mga tsuper na Pilipino sa gitna ng oil crisis; at sa ating panawagan para sa pagtigil ng walang kabuluhang digmaan at karahasan.

Patuloy tayong nananawagan ng hustisya para kay Alicia Alano at sa iba pang nasawi noong April 19, 2026, sa isang engkwentro sa Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental. Si Alicia ay isang estudyante at student leader mula sa University of the Philippines Diliman, at nasa Negros noon para sa community immersion at pananaliksik tungkol sa kalagayan ng mga magsasaka, kabilang ang mga alegasyon ng land grabbing at militarisasyon sa lugar. Imagine being killed in a supposed “legitimate encounter” against alleged members of the NPA. Ito ba ang kinabukasang nais nating ipamana sa ating mga kabataan? Isang mundong sapat na ang “umano” at hinihinala upang kumitil ng buhay ng mga pag-asa ng bayan?

Kaya kailangan nating makisangkot at makibahagi sa difficult conversations upang labanan ang ganitong klaseng kaisipan at kultura ng karahasan. Patuloy nating bitbitin ang kwento ni Alicia, kasama ang iba pang naging biktima ng karahasan at ng war on drugs ng nakaraang administrasyon. At sa mga ganitong panahon, dalangin natin na patuloy na yakapin ni Kristo ang pamilya at mga mahal sa buhay ni Alicia at iba pang biktima sa panahon ng kanilang pagluluksa. Nawa’y puspusin sila ng pag-ibig, yakap, at paghilom ng Diyos habang patuloy tayong nakikibaka para sa hustisya—because God’s love must always be tied to justice.

INTERNATIONAL SOLIDARITY & SAINTS OF THE CHURCH

I cap this preaching series na may bitbit na mga bagong kwento mula dito sa Taipei, Taiwan, kasama ang ilang sa ating mga members at music team leaders sa event na International [LGBTQ+] Alliance Christian Church. This event is also a popular culmination of what we learned sa Walk to Emmaus.

Narinig natin ang journey ng ating Asian neighbors and their stories of struggles of being [LGBTQ+] Christians. Now they went through the same but different situations, just like the two disciples. Hindi nalalayo ang kwento natin as Open Table sa mga struggles ng ating [LGBTQ+] Christian siblings. Ang struggles nila sa mainland China, Korea, maging dito sa Taiwan, Japan, Hong Kong at iba pa, Christians are considered a minority. The Philippines may have the highest percentage of Christians, but we are also a minority within the wider church. We are here to tell our stories, to share a meal with each other, and be a holy conversation with a wider community.

(Pasensya na po habang ano, kasama ‘yung sipon sa pagtanda…)

To be with the wider community, to be in communion with each other, to be each other’s hope, knowing that even a small light in a great darkness is still light. I got this directly from a pastor from Japan kung saan she was asked just to remain silent and not embrace being [LGBTQ+] and Christian. Sa kwento ng isa nating church sa Singapore, they could not hold a Pride protest.

And I will always remember the story of Pride from Bora, Korea. Isang straight sweet ally na literal na inalay ang kanyang buhay to fight along with her [LGBTQ+] siblings in Korea, even facing persecution from conservative churches and the government. I am truly blessed and honored to have met her here during Amplify 2018, and was saddened to hear about her passing a few years ago. Ngunit ang kanyang kwento at ang kanyang buhay ay hindi naiuwi lang sa wala. Ito ngayon ang pinanghahawakan nila upang magpatuloy.

Let’s always remember our Christian faith is much about remembering as it is remaining hopeful. At nawa ay patuloy nating alalahanin ang ating mga [LGBTQ+] saints: si Father Richard M. at ang kanyang passion; si Pastor Egay at ang kanyang gentleness at compassion; si Ninong Mike sa kanyang ever-welcoming spirit; at si Maxi Choy sa kanyang tapang at adbokasiya laban sa stigma and awareness about HIV and AIDS. I also remember Himalaya, and my promise to always guide our younger generations of [LGBTQ+] Christians.

KONGKLUSYON

Mga kapatid, sa pagtatapos ng ating series, ito marahil ang pinakamahalagang paalala ng Emmaus story : Na kailanman ay hindi mawawala si Kristo sa ating buhay. Naroon siya sa ating paglalakbay, pag tayo ay pagod na. Sa ating pag-uusap, when we comfort each other kapag tayo ay sugatan, nalilito, o naghahanap ng sagot. At naroon siya sa ating mga hapag—sa bawat paghahati ng tinapay, sa bawat salo-salo, at sa bawat pagkakataon na tayo ay nagbabahaginan ng buhay, pagmamahal, at pakikibaka.

Dahil ang tunay na komunyon ay hindi lamang tungkol sa tinapay at alak; ito rin ay pagkilala niya sa atin, sa uring manggagawa, sa [LGBTQ+] community, sa kabataang lumalaban, at sa ating mga straight allies who journey with us. At nawa’y manatiling nag-aalab ang ating mga puso sapagkat si Kristo ay buhay. Kasama natin sa daan, kasama natin sa hapag, at kasama natin sa paglaban.

Amen.


Open Table MCC is a church for all, including LGBT+ people. All are welcome! Sign up for our newsletter to receive the latest news and events from our church community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *