Gay Pride, San Francisco, 2010. Elated ako ng bonggang-bongga to be at the Gay Pride in San Francisco (SF). The weekend before, nakatayo ako sa shadows ng rainbow flag at the corner of Castro at Market Street. Epicenter na kung epicenter of gayness. May ka-holding hands ako na school-teacher from Florida na nakilala ko sa Badlands, nakasandal kami sa isang poste at tinitingnan ang rainbow flag. Ang ganda pagmasdan. Sinabi ko sa kanya na may parang Castro din kami sa Manila, pero maliit na lugar lang. Sinabi ko sa kanya na nakakaiinggit ang kalayaang natatamasa nila dito sa SF. May mga puti pala na mahilig sa Filipino. Mabenta pala ako sa mga locals dito sa San Francisco Bay Area, para lang exotic fruit. Durian, rambutan or mangosteen lang ang peg. Hindi ganun kahirap ang makahanap ng kalandian, basta alam mo ang market mo.
Naalala ko bigla ang high school friend ko na nagmigrate dito. Uhm, may reputation siya sa Badlands, medyo sosyalin, namimili ng kausap. Single. Isnabera. Nung unang dinala niya ako dito, pinagsabihan ba naman ako na hinding hindi ako bebenta at para akong nene. Ako? Nene? Sandali nga, makapunta ng dancefloor. Wala pa 20 mins, may kahalikan na akong guwapong puti. Ako? Nene? Laking gulat lang niya nung na-i-spot-tan nya akong may kasayawan at kahalikang puti. Ako? Nene? “The exotic fruit has arrived. Watch out, San Francisco, I am ready… You only have 24 hours to know me. Actually 14 days.” Nene ha?
The downside was pabalik na ako ng Manila the day after ng Pride. Gusto ko lang makita paano nila ginagawa ang pride march sa San Francisco kumpara sa Pilipinas. Marami nakahubad, maraming walang damit, may mga walang saplot. Nene, may mga dangling! Kaloka! Colorful, masaya, kakaiba. Yun lang panay lesbians ang kasama ko on what was technically my final day to go around. Anong chances na may makangitian ako ng matamis dito? May makikilala kaya ako sa Pride? I heard stories of couples who met on Pride March. Romantic sana kung meron. Kumain kami ng dinner sa isang Indian resto sa 18th Street. Haggard lang kasi dala ko ang aking overnighter. I had to catch the train to Pittsburg or else it means waiting until 4AM. So much for romance, Nene.
I said goodbye to my lesbian friends and started to walk on my way to the Muni in Castro, the train that would lead me to the BART Station at Powell, and then hop on to make it to the huling train pa-Pittsburg. Pero bago niyan, para akong nag-Station of the Cross sa mga bars na pinasok ko. Una akong huminto sa harap ng pulsating Badlands, na kung saan, bumenta nga ako pulsatingly for two weekends. Buntong hininga. Huminto sa kanto ng 18th at Castro, sa convenience store at naglakad paakyat to the train station. Huminto ng sandali sa harap ng 440, ang isang bar for bears and bear lovers, na kung saan bumenta din naman ako ng somewhat pulsatingly. Bago ako bumaba papasok ng station ay tinignan ko ang “The Rainbow Flag.” Paalam, mahal kong watawat! But it would have been better if I met someone nice and serious. Romantic sana, di ba Nene?
Habang hinihintay ko ang train, may nakita ako. Guwapo, maganda porma, balbas sarado. Maputi, kasi nga naman, puti. Nakatingin sa akin. Tiningnan ko rin siya pabalik. Ngumiti ako ng bahagya, di masyadong bigay na bigay na ngiti, pero may hiwatig na tamis-anghang na ngiti. Tatalab kaya ang mangosteen? I was standing near the edge ng platform, pero para siguraduhing ako nga ang tinitingnan, pumunta ako sa may pader. Sumandal ako. Aba, sumunod, tumingin at ngumiti ng may tamis din. Nagpakiramdaman. Sumakay kami ng train, at nagtabi kami, nagtanungan kung taga-saan kami. Malayo din pala ang uuwian niya, parang ako. Dayuhan din pala siya sa US.
Since the last train for Pittsburg does not come in til 11:17 PM, umoo si Nene sa kanyang invite for coffee, Pumunta kami ng Starbucks. He had the most amazing green eyes na nakita ko. He turned out to be an artist/photographer from a town in southern France, trying to make it good in San Francisco.
We met the day before I was bound to leave. Anu ba naman ito at good things always happen to me on my last night or last day in whatever place? My mom was waiting for me to come home, but to spend the night with this guy was inviting. Konting drama, sinabi ko na lang sa mom ko na I’ll stay with my friends and catch the first train to Pittsburg. Mabilis naman mag-empake si Nene. Solved!
Ang next problem, saan kami makakahanap ng medyo murang tutulugan in downtown San Francisco. Ikot kami ng ikot sa O’Farrel, Eddy, Powell, until we found a place and spent the night together. Hindi ganun kamura, hindi ganun kamahal. We kissed, made love, slept in each other’s arms, woke up to a mild earthquake (WTF?!), pinag-usapan ang tungkol sa daruma dolls, buhay sa Paris at Manila, made love ulit before getting breakfast. Then reality struck: oras na para sumakay ng train pabalik ng Pittsburg. Sabi nya, parang pelikula daw itong nangyari sa amin. Specifically parang yung 90’s na romantic film called ‘Before Sunrise.’ Promise, hindi ko pa siya napanood nung time na ito. May ganito talagang pelikula? He tells me about the movie, starring Ethan Hawke who plays Jesse and Julie Delpy as Celine. Pinag-usapan namin na magkita muli, ito man ay sa Paris, Manila, or San Francisco, to keep in touch, exchange e-mails…
Hinatid nya ako sa Powell Station and there we kissed. Hitsurang nawala ang buong kapaligiran nung naghalikan kami sa harap ng ticket machine. Everything faded and as far as we were concerned it was only the two of us there. I could not hear any other the sound, except for his breathing. Naglakad na ako papuntang stairs to the platform. Sabi ko sa sarili ko, “Lingon ka nga, tignan mo kung nakatingin.” Lumingon ako, lumundag ang ba**g – este – puso ko nung nakita ko siya na nakatingin sa akin. Naglakad ng kaunti. “Lingon ka nga ulit, bakla.” Lumingon ako, nakatingin pa rin siya. Halos himatayin ako. He smiled from where he was standing and waved. Nag-wave din ako. Irony of ironies, pagdating ko sa platform, the train was to be delayed ng 20 minutes! Mula tren hanggang PAL flight pauwi ng Pinas tulala ako.
Higit apat na taon na rin ang lumipas at marami na ang nangyari since that day at Muni station in Castro. Nagka-sequel din kami pareho pero hindi masyado nag-click. Hindi lang talaga nagwork out but happy ako that we became good friends who care for one another. Hindi nawala ang communication namin salamat sa Facebook. Bago natapos ang 2013, humingi siya ng tawad sa akin. He admitted na he wasn’t very kind to me when we were together. Sabi niya, inspite of it, para daw akong anghel, na kung kailangan niya ng kausap ay bigla na lang siya makakatanggap ng message and words of affirmation sa akin. Masaya na rin ako that it turned out this way. Nagpapatuloy ang aming communication. We still have that connection. In a later visit to the US, I visited another high school friend of mine who was staying near Powell, at hulaan kung ano ang nakita ko outside his hotel window…
Akda ni Marco Puzon