#2 Lovestruck 2014: Love in the Time of Grindr

Zemanta Related Posts ThumbnailSo, paano mo sya nakilala? Online? Sa Facebook?” Mga five or ten years ago, kung ang isasagot mo ay ‘Oo,’ siguradong sasalubungin ka ng pagtaas ng kilay. Ngayon iba na. Hello apps! Isang pindot, konting usap, kung suswertehin ka, GANAP! Parang Ayosdito.ph – hanap, usap, DEAL!

Binago na nga ng teknolohiya ang mga eksena natin sa dating. Pero sa dami na nga ng pwedeng gawin at gamitin sa paghahanap sa ating mga kapareha, bakit parang mas mataas pa rin ang ‘failure rate’ kesa ‘success rate’ dito? Mas dumadami pa yata ang nag-iisa pa rin. Nakakatulong ba o nakakagulo sa paghahanap ng mailap na THE ONE ang teknolohiya ?

THE MORE THE MANYER

Madali nga sigurong mahanap si THE ONE sa mga panahon ngayon. Anjan si Grindr, Hornet, Growlr, Scruff PlanetRomeo, Downelink etc etc para tulungan ka. Para mas tumaas ang chances mong ma-determine kung ‘PLU’ (People Like Us) din ba si kuyang cutiepie, check mo kung may profile sya jan sa app. Kung meron, hashtag Alam Na (#AlamNa)! It takes away the guesswork and the danger of jombags ng stright pala. Hindi lang yan, very exact na rin ang pamimili kasi may ‘targeted audience’ na rin. Si Growlr pang bears, si Scruff pang balbon, at lahat yan location based pa kaya ang lapit lang ng chance! Kaloka di ba? Para kang namimili ng sabon. Hypo-allergenic ba? Panlaba? Pang-katawan? Liquid? Meron! In my case, Chubchaser ako. No problem. May sites para sa hanap kong chubby-chinits!

However, ang downside, sa dami ng choices, pwedeng ma-overwhelm at mawala sa focus. Instead na love and commitment, pwedeng mauwi sa kati-kati na lang. Isa pa, nandun ang tinatawag na saliva tree. Dahil iisang community nga, pasa-pasahan na lang. Si ex ni kwan na ex ng ex ni kwan na naging ex din ng ex ni kwan na ex ng ex mo.

Isyu din ang diskriminasyon. Kung hindi ka pasok sa ‘sub-culture’, ligwak ka! Not skinny enough, not rich enough, not conyo, not exclusive school, not rich enough not fab enough. Nakakalungkot na ang pamamaraan para madami ang maabot nagiging instrumento ng pandidiskriminate base sa sub-preferences. No chubs, no effems, no jologs, no oldies, no jejemon. Ikaw na ang bukod na pinagpala teh!

I LOVE THE WAY YOU LIE

Sa nagkalat na mga ‘dating sites’ o ‘groups’ sa Facebook o kahit saang mga sites, karaniwan ang ganitong paskil na status – WANTED SERIOUS RELAIONSHIP! Naexcite naman agad ako! THIS IS IT! BUT! Sabi nga sa TV Shopping, but wait, there’s more! Hindi pala talaga single si prospect. Magulat na lang ako, may bigla nang mang-aaway sakin dahil malandi daw ako at kinalantari ko si jowa nya!

Hindi lahat ng nagsasabing naghahanap sila ng SERIOUS RELATIONSHIP ay totoo. Ang iba, marketing scheme lang nang makarami ang kino-collect. Ang iba, job placement. Serious relationship daw ang hanap nya pero nung nandun na sa stage na magku-commit na, he needs more time daw?

May iba kasi akala lang nila na hanap nila ay Serious Relationship pero pag naging mahirap na, waler na, iwanan sa kangkungan. Pati ako tuloy nako-confuse. May mga SINGLE ang nakalagay, pero panlima ka na – anim ang account, tigi-tigisang account bawat jowa. Naka in a relationship nga kayo na status, sa pang anim na account nya yan, at yan na lang ang walang ka tag.

gay-social-media

And yes, may ibang may jowa na, go pa rin ng go! Minsan din, sex lang talaga. If not, ka threesome nila ng jowa nya. Minsan may nag aya, meet daw and coffee. So ayun, epek na. Nakakatatlong dates na kami. So medyo safe na siguro pumayag sumama sa place nya di ba? (Actually nung unang meet up payag na talaga ako. CHOS!) Ending, andun ang jowa nya sa pad nya, naghihintay. So ako ang long lost highschool classmate nya, and I had to run bago pa ako i-quiz kung saang Highschool yon! At parang cool lang si jowa na may inuuwing lalaki ang partner nya? Parang hindi ko bet ang eksena! Split!

Sa dali ng pagkikitaan, ganun din kadali magtago sa madla. Kung gaano kabilis gumawa ng account ganun din kabilis magsuinungaling at maglaho. Ako naman si tanga na mapagpaniwala. Ayun, ligwak!

ONLINE LANG TO

Nakaka-anek talaga sya! As in! Bet na bet na bet at market na market supermarket! Kinikilig kilig pa ako nyan, pero nung nag meet na kami for coffee, waler! Di kami nagkibuan at walang mapag-usapan. Flappy Birds na lang?

Habang ang online communication ay nakakatulong talaga, umaabot sa puntong nandun na lang ang relasyon at di na sya nangyayari sa tutoong buhay. Puro kayo nilalanggam na kung anu-ano sa online pero hindi nyo makuhang maghanap ng oras sa totoong buhay.

Nandun din ang tech stress. Lobat na ko at hindi ko na mareplyan, aligaga ang peg, tapos pag uwi ko para magcharge, kung anu-ano na ang sinabi nya at inakusa! Break na daw kami!

Masyadong nakabase ang relayson, ang ikatatagumpay o ikakafail nya sa teknolohoiya na kapag nawalan ka ng net access, hindi mo na alam mag function, at magpapanic ka na. Kung gaanong kabilis ang pakikipag-usap at pakikipagkilala, ganun din kabilis at kadali syang maglahong parang bula at hindi mo sya mahanap kung saang lupalop talaga sya.

Ito ang danger ng realidad ng online dating. Naiinteresado at naiinlab tayo sa isang ‘profile’ at minsan, hindi na natin tinitignan ang ‘totoong taong’ kinikilala natin. Ni hindi mo alam nga minsan saan sya nakatira, saan nagtatrabaho etc etc at puro lang kayo online chat at text.

Sa pagtatapos, mahalaga ang teknolohiya at malaki ang pakinabang sa ating lahat. Mahalaga pa rin ang personal na pakikitungo at ang pagpapaunlad ng ating mga sarili at paghahanda para sa relasyong inaasam-asam natin.

Padami ng padami at dadami pa ang mga ganitong tools para sa atin. Dati, Java Chat at website chatting, text chat sa TV Wanted TXTmate sa dyaryo at mIRC. Ngayon Grindr at Skype. Hindi rin masama ang pag explore ng options lalo’t available. After all, sa mIRC ko nakilala ang naging karelasyon ko for 10 years at kahit wala na kami, marami akong natutunan sa relasyon at nananatili itong mahalagang parte ng buhay ko at isa sa pinakamasayang yugto ng aking kwento

Gamitin natin ang teknolohiya para makatulong, hindi para makasama. Gamitin natin sa mabuti, hindi sa panloloko. Gawin nating paraan para mapatatag ang mga relasyon natin hindi yung ikakasira nya. Parang scalpel din kasi ang tek nolohiya. Nasa may hawak. Ang scalpel sa kamay ng magaling ng surgeon ay nakakapagligtas, pero sa kamay ng masamang tao, nakakamatay.

Patuloy lang tayo sa paghahanap ng pag-ibig, at sa mga nakatagpo nito online, aba congrats! Sa mga naghahanap at naghihintay mahanap, guidlak! Malay mo, isang PM lang sya. Malay mo mamaya pag online kop, mahanap ko na rin si THE ONE! Mabuhay ang Pag-ibig!

Akda ni Luis Batchoy


Open Table MCC is a church for all, including LGBT+ people. All are welcome! Sign up for our newsletter to receive the latest news and events from our church community.

One thought on “#2 Lovestruck 2014: Love in the Time of Grindr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *