General Community Quarantine – Pastoral Advice and Message

Marami sa atin ang pagod na at nahihirapan sa pagkakaroon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa loob ng humigit kumulang na 78 days pagsapit ng May 31. Marami ang higit na apektado lalo na sa mga mahihirap nating mga kababayan na mga informal workers, day laborers at sa iba pa na mga nagsusumikap sa araw-araw bago ang pandemic na eto. Maski ang mga nasa middle class ay naranasan din ang epekto ng pandemic na eto at ang Quarantine na pinatupad ng ating gobyerno. Hindi lahat nakatanggap ng ayuda at maraming ayuda ang delayed.  Marami din ang naging stranded at nahihirapan makabalik sa kani-kanilang mga bayan at pamilya. Narinig natin ang mga reklamo ng ating mga kababayang OFW na umuwi at naka-quarantine ngayon sa mga pasilidad na prinovide ng gobyerno. May ilang mga balita ng mga taong tinanggihan ng mga uspital at namatay na lamang sa daan. Ilang Medical Frontliners na rin ang namatay habang tumutugon sa kanilang tungkulin. Marami rin ang nakaranas ng kamay na bakal sa pagpapatupad ng batas habang ang mismong mga tagapagtaguyod at tagapagpatupad ng batas ay sumuway dito ng walang pananagutan. Tayong lahat ay may ibat ibang lebel na ng mental health issues dahil sa Quarantine at sa mga nagyayari. Andyan din ang napanis ng franchise ng ABS-CBN na sa maraming taon ay hindi inasikaso ng lower house of congress hanggang sa eto ay napaso na at kamakaylan pinahinto na ng NTC ang pagbroadcast ng Network. Napakarami pa ang nangyari at nangyayari pati na ang mga hindi nangyari at hindi pa rin nangyayari tulad ng Mass testing. 

https://www.facebook.com/opentablemccph/videos/241066193856143/

Ako mismo nangangapa sa kung ano pa ba ang dapat sabihin na hindi pa nasasabi ng marami. Anong pag-asa o mabuting balita ang pwedeng ipamahagi para maibsan ang ating mga nararamdaman, naiisip, nararanasan at nababalitaan. Ang tanging alam ko lang ay dalwang eto:

  1. May Pag-Asa – Kahit na parang nasusuka na tayo at mismong pag-asa ay tinatakwil na ng ilan sa atin, ang pag-asa ay hindi nawawala o lumilisan. Ang pag-asa ay makulit at nagpupumilit. Hindi matatapos at mananatili ang lahat ng eto sa ganito na lamang. Hindi dito humuhinto ang kwento natin at kwento ng mundo.
  2. We Have Each Other – Nakakaramdam man tayo ng kawalan ng pag-asa. Itinakwil man natin eto. Nagdurugo man at nadudugrug ang puso sa parehong lungkot at galit ang tanging meron tayo ay ang isat-isa. We have each other to hold on and to keep even in the worst of situations. May mga masasamang tao lalo na sa mga namumuno sa ating bayan, gayun pa man, mas marami pa rin tayong pinipilin ang kabutihan at pakikipagkapwa tao. Meron pa rin isa, dalwa o tatlong mga leader (rare species) na nagpapakita ng tunay na paglilingkod at malasakit para sa bayan sa panahon ng crisis na eto. Mas marami pa rin sa atin ang pinipiling maging mulat at magmulat. Marami pa rin sa atin ang pinipili ang katarungan at pag-ibig. 

Sa dalwang iyan, sa pag-asang hindi kelan man lilisan at sa pagdadamayan natin sa isa’t isa, dyan ko nakikita at nararamdaman ang presensya at pag-ibig ng Diyos sa panahong ito.  

CHANGE FROM ECQ TO GCQ:

May mga natutuwa na mag GCQ na tayo. Meron din ang mga may pangaba. Isa ako sa may pangamba. Kailangan nating kilalanin ang realidad at katotohanan na hindi naging maayos ang response ng gobyerno sa pandemic na eto. Hanggang ngayon wala pa rin tayong malawakang Covid Testing (mass testing) at ang Testing na ginagawa ngayon ay less than what is expected and barely the standard minium. Iba-iba pa at may iilang maling impormasyon pa na mismong sa mga opisyal ng gobyerno nanggagaling. Ayon sa World Health Organization (WHO) at napatunayan na ng ilang mga bansa na maagang nagrespond sa threat ng pandemic, Mass testing kasama ng contact tracing and isolation of Covid positive persons ang susi para ma-overcome ang pandemic na eto habang wala pang Vaccine. Nagwarning na rin ang WHO sa mga maraming bansa na ang pagbubukas, pag-aalis o pag-rerelax ng quarantine without Mass testing ay isang premature at mapanganib na hakbang.

Sa pag-change ng quaratine Status ng Metro Manila, may sampu akong suggestion sa inyo bilang mamamyan. Ang mga ilan sa mga eto ay marahil alam nyo na at bahagi na rin ng guidelines ng GCQ:

  1. Wag Pa ring Lumabas – Lalo na sa Lunes, June 1. Ating ina-aanticipate na sa June 1 may posibilidad na dumagsa ang maraming tao sa paglabas. Marami ang babalik sa trabaho at marami rin ang lalabas o maglalakbay ayon sa kanya-kanyang kadahilanan. Given the context and reality that I aforementioned, mas mabuti na wag tayong lumabas kung hindi naman talaga kinakailangan. Wag tayong sumabay at sumama sa dami ng taong lalabas sa unang lunggo ng June. Harinawa, hindi marami ang lumabas at hindi magkagulo tulad ng nangyari nung unang nagdeclare ng EQC. Sa mga may Work From Home (WFH), mas mabuti na ganito pa rin ang inyong set-up at wag magmadaling bumalik sa opisina. 

Wag nating samantalahin ang GCQ na eto para mamsyal lamang o lumabas ng walang mabugat na dahilan. 

  1. Wag Pa Rin Magsimba – Kahit tila ba pinayagan na ang religious gathering, sa aking tingin, mas nararapat na wag na muna mag-gather ulit lalo na kung ang inyong Church-building ay airconditioned. Pinaalala sa atin ng Pandemic na eto ang importansya ng pagsamba at pananalangin ng magkakasama ngunit pinaalala rin sa atin ng Pandemic na eto na ang pananampalataya ay hindi lamang nakakulong sa apat na sulok ng ating mga kapilya at bahay dalanginan. Sa oras na eto ang pinaka-Christian na aksyon ay ang patuloy na pananambahan sa ating mga tahanan kasama ang ating mga pamilya at sa pamamagitan ng technology. Tayo sa Open Table MCC ay hindi pa rin maghohold ng worship services sa ating Chapel at magpapatuloy lang sa ating online Community Connect and other classes. 
  2. Mag-Mask – Paglalabas wag kakalimutan ang mag-Mask alinsunod sa guidelines ng gobyerno.
  3. Social Distancing – Pag lalabas, maging aware palagi sa social distancing.
  4. Don’t Touch your Face – Pag nasa labas tayo sa anu mang dahilan o sitwasyon, magkaron ng heightened awareness na wag hahawakan ang mukha lalo na ang ilong, mata at bibig; Wag kukuskusin ang mata o kakamutin ang ilong kahit nangangati ang mga eto.
  5. Alcohol at Hugas ng Kamay – Lalo na pag nasa labas ng bahay o nasa upisina, ugaliing mag-alcohol ng madalas at mag-hugas ng kamay gamit ang sabon. Ugaliin ding linisin ang cell-phone gamit ang alcohol o iba pang disinfectant.  
  6. Pag-uwi ng Bahay – Maligo kagad and disinfect kagad ang mga kagamitan. Ilagay kagad sa tubig na may sabon ang mga damit na isinuot sa labas. 
  7. Be Updated – Basahin at intindihin mabuti ang guidelines na nilabas ng gobyerno hinggil sa GCQ. Manatiling informed sa panonood ng balita at pagbabasa ng mga news articles mula sa mga lehitimong mga sources.
  8. Be Critical and Aware – Manatiling mapagmatyag at critical sa lahat ng nangyayari at hindi nangyayari sa ating bayan at gobyerno. Patuloy na mamulat at magmulat ng iba. Patuloy tayong manawagan at maging maingay sa mga aksyong dapat gawin ng gobyerno tulad ng Mass testing. Patuloy na punahin ang mga mali at palpak na ginagawa ng gobyerno at mga leader natin. 
  9. Manalangin at Mag-ambag – Patuloy tayong kumapit sa ating faith. Patuloy tayong magdasal at umasa. Patuloy tayong maghandog ng kabutihan saan man, kelan man at kanino man. Kung may konting sobra o medyo nakakaangat sa buhay, patuloy na magcontribute o magdonate sa mga organisasyon na tumutugon sa sitwasyon at pangangailangan ng mga mahihirap na mga komunidad at indibidwal.

Ano man ang inyong indibidwal na sitwasyon hangad at panalangin ko ang inyong kaligtasan at mabuting kalusugan kasama ng inyong mga mahal sa buhay. Hangad ko at panalangin na maging maayos pa rin ang maging response ng gobyerno lalo na ng DOH sa darating na mga araw, linggo at buwan. Hangad ko at panalangin na malagpasin natin lahat ang Covid-Pandemic na eto at pagkatapos nito magbago tungo sa katarungan at pagkakapantay-pantay ang ating lipunan at buong mundo.

Sya Nawa.


Open Table MCC is a church for all, including LGBT+ people. All are welcome! Sign up for our newsletter to receive the latest news and events from our church community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *