Nararapat na ating patuloy na gawin ang mga paraan upang protektahan ang sarili natin, pamilya at ang bawat-isang kapwa natin.
Huwag tayo maging makasarili sa anumang bagay o paraan. Bagkus magbigay tulong kung kinakailangan. Huwag nating kakalimutan na maraming mga mahihirap nating kabababayan ang mas apektado ng mga pangyayari ng sakit na ito. Wala silang sapat na resources para tugunan ang sakit na ito maging ang economic impact ng quarantine.
Manatiling informed sa pamamagitan ng balita sa telebisyon at mga lehitimong news articles online.
Manatiling mapagmatyag at kritical sa lahat ng bagay lalung-lalo na sa responde at mga aksyon ng gobyerno.
Kasama ng mga magagawa natin para sa isa’t-isa, ay ang patuloy na pagdarasal. Ipagdasal natin ang mga medical responders na mga doktor, nurses at iba pang medical and administrative staff sa mga ospital. Ipagdasal natin ang ating bayan at ang mundo. Ipagdasal ang mga apektado ngayon ng COVID-19: ang mga lumalaban para sa kanilang buhay at ang mga yumao na, kasama ang kanilang mga pamilyang nangangamba o nagluluksa.
Sa global at local crisis na ito, masusubok sa atin kung mas mangingibabaw ang pagiging sakim at makasarili, o ang pagiging maka-tao at mapagmahal.
Gabayan sana tayong lahat.