Saan man kayo pupunta ngayong darating na Sabado – Circuit, Makati or QC Circle – ang mahalagang alalahanin at iukit sa puso ay yung tunay na ugat at diwa ng Pride, Ang pride ay Protesta at Pakikibaka: Protesta sa diskriminasyon at opresyon; pakikibaka para sa katarungan at pantay na karapatan para sa lahat.
Sa pag-uugat na ito magsumikap na patuloy na matuto at magpalawak ng kamulatan. Educate one’s self and others about the many intersectional issues, realities and struggles of our LGBTQIA+ community.
Magsumikap na mag-ambag at magpatuloy after and beyond the month of June. Volunteer and donate. Be part of a credible advocacy organization known for their integrity, history, and active involvement in the movement.
Continue to tell your story when you’re ready and when necessary. Ang kwento mo ay kinapupulutan ng aral at inspirasyon, at nagbibigay pag-asa para sa iba pang mga kapatid nating LGBTQIA+ Filipinxs, lalo na sa mga kabataan. Saan ka man magmamartsa o magcecelebrate ng Pride, patuloy na mamulat at magmulat, makisangkot at mag-ambag, magpatuloy sa pakikibeki.
Mapagpala at mapagpalayang Pride month sa ating lahat.