Hindi maitatanggi na ang mga LGBTQI+ ay nasa lahat ng sector at antas ng lipunan. Tayo ay nasa lahat ng propesyon, industriya at karera. Maski sa loob ng mga simbahan tayo ay masusumpungan. Lantad man o nagkukubli, ang LGBTQI+ ay kabahagi ng lakas at talinong panggawa.
Hindi maihihiwalay o maisasantabi ang ugnayan ng sexualidad, gender identity at ang lakas pag-gawa ng isang tao. Hindi pwedeng bigyan ng mas matimbang na halaga ang alin man sa aspetong eto. Sila lahat ay magkakasama at magkakaugnay at dapat sabay-sabay na ibinabaka. Ang opresyon at exploitation sa manggagawa ay may kinalaman din sa opresyon at exploitation ng kanyang kasarian at sexualidad, at ng iba pang aspeto ng kanyang pagkatao. Ang kulang na sweldo at kawalan ng benepisyo ay nakakaapekto sa mga mangagawang LGBTQI+ sa usapin ng pagkaen, tahanan at kalusugan. Gayun din ang pagiging LGBTQI+ ay may kaakibat na dadag na opresyon at diskriminasyon sa iba’t ibang kumpanya at industriya. Sila ay magkaugnay at hindi maihihiwalay. Dahil sa realidad na eto, nararapat lamang na ating isulong ang karapatan at dignidad ng mga mangagawa kasama ng pagsusulong ng pagkilala sa kanilang mga adendidad at iba pang katayuan at aspetong pagkatao.
Kaya naman nakikiisa ako bilang mangagawa ng Simbahan sa panawagan para sa:
- 750 per day minimum wage sa lahat ng rehiyon sa bansa
- Pagbuwag at pagbabawal sa kontraktwalisasyon
- Pagpapanagot sa mga kumpanyang nang-aabuso ng mga mangaggawa
- Pagpasa ng batas ukol sa SOGIE Anti-Discrimination para sa kapanakanan at karapatan ng mga manggagawang LGBTQI+
- National Industrialization
- Pagbuo at pagpapalakas ng mga Unyong mangagagwa
Bilang tagasunod ni Kristo na nakiisa sa mga mangagawa nung panahon nya, kailangan natin isulong ang isang ekonomiya at lipunang makatao, makabayan at makatarungan para sa lahat.
Isang pagbati at pagpupugay sa lahat ng mga manggagawa, lalong lalo na sa mga mangagawang LGBTQI+ ngayong Mayo Uno.