New Year 2020 Message: Reflect in Our Past So We Can Move Forward

So teach us to count our days that we may gain a wise heart.

Psalm 90:12 (NRSV)

Magbabagong taon nanaman, 2020. At magtatapos na ang 2019.

Kamusta ang inyong 2019? Masaya? Malungkot? Nagka-jowa na ba, o single pa rin? May mga success ba tayo o failures? Ano ba ang naging buhay natin ngayong 2019? Marahil ito ay magkakahalo – may saya, may lungkot, may success, may failures, may mistakes, may acts of kindess. Life is a complex combination of many things.

But it is worthy to reflect at this time. Ito yung mga panahon na kapag nagtatapos at papasok ang panibagong taon, magandang magmuni-muni. Mag reflect at mag isip-isip patungkol sa ating mga buhay.

It’s not just the end of the year, but also the end of the decade. And a new decade is about to begin.

For me, nagmuni-muni ako these past few months, because I’ve just turned 35 last October. Hanggang ngayon, hindi pa tapos ang pagmuni-muni ko dahil 35 is halfway through 70. Naniniwala kasi ako na kapag umabot ka ng 70 or 75, it’s already “finish line” and anything beyond that is “bonus.” And I am halfway through 70 already.

Katanungan ko sa sarili ko, at iniimbitahan ko kayong tanungin rin, kung gaano man kayo ka-“young,” nasaan na ba tayo sa ating buhay as we enter a new year, sa ating lakbayin? We know that we will not live forever, that’s why we count the years, and celebrate that there was a year that passed, and that a new year is coming, and that we are still here.

And it’s important that in those celebrations, in our festivities, we pause to ask ourselves this question: where are we in this journey? Ano na ba ang nagawa natin, at gusto pa nating gawin? Saan na ba ako nakarating at saan pa ako tutungo, at saan ko pa ba gustong pumunta? Mayroon na ba akong nagawang makabuluhan sa aking buhay?

Ang mga nagawa ko na ba sa aking buhay, ano ba ang kahulugan ng mga nito? Mayroon ba itong naiambag sa mas malawak na lipunan?

I don’t want to go so much into social media and politics this time, pero madalas nating nakikita sa social media: “eh ikaw ba, ano na ba ang naiambag mo?”

It is, in a much more introspective way, sa ating pagre-reflect sa ating buhay, oo nga naman, ano na ba ang naiambag ko? Paano ba ako nag-participate? Paano na ba ako nakibahagi sa lipunan, sa bayan, at sa mundo na para bang lumalala?

Tanungin natin ang ating mga sarili: ano na ba ang ating nagawa? Tayo na naniniwala kay Hesus, kay Kristo. Anu man ang ating simbahan at tradisyon na pinanggalingan, ako ay naniniwala na itinuturo sa atin na walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. No one lives for their selves alone.

Ang atin bang buhay sa lahat ng naranasan at ginawa natin up to this point ay para lang ba sa sarili natin? Being true to our faith of the One who gave Himself to others, ang ating buhay ay nailaan na ba natin para sa iba?

Tayo sa LGBT+ community – mga lesbyana, mga bakla, mga transgender, mga bisexual, at kung ano pa man ang ating sekswalidad o kasarian – naniniwala ako na merong dahilan kung bakit tayo nandito sa mundo, at kung bakit tayo parte ng diversity ng creation. At naniniwala ako na may maiaambag tayo sa lipunan at sa mundo. Marami na tayong naibahagi sa kasaysayan. Pero kailangan pa rin nating tanungin, bawat isa sa atin, bilang LGBT+, ano ba ang ating maibabahagi at maiaambag pa sa ating struggle for equality, at sa mas malawakang pagkilos at pakikibaka sa isang mas makatarungan at mas mapayapa at mas mapagmahal na mundo.

Sa pagpasok ng bagong taon, at sa pagmuni-muni sa ating buhay, paano pa ba tayo makakapag-ambag? Paano pa natin maibibigay ang ating sarili para sa iba at hindi lang para sa sarili natin? Paano ba na ang ating buhay ay hindi lamang magiging masaya, kundi puspos rin ng ligaya, dahil ito ay may kahulugan? At paano natin mahahanap ang kahulugan na iyon? Kanino, saan, at paano?

Ito ang mga tanong na kailangan nating sagutin (hindi naman agad) sa pagpasok ng bagong taon.

Alam ko, lahat tayo ay naghahangad ng blessing sa papasok na taon, for 366 days, or 53 weeks. But I hope, ang panalangin natin kaakibat ng ating pagmumuni-muni: sana Panginoon, gawin Ninyo kaming pagpapala sa iba. Panginoong Diyos, nawa ang buhay ko ay gawin ninyong pagpapala sa iba, at ang katawan ko’y gawin ninyong daluyan ng Iyong pag-asa, pag-ibig, at pagpapala sa lahat ng nangangailangan.

Amen.


Open Table MCC is a church for all, including LGBT+ people. All are welcome! Sign up for our newsletter to receive the latest news and events from our church community.

2 thoughts on “New Year 2020 Message: Reflect in Our Past So We Can Move Forward

  1. I am a member of MCC Denver, Colorado now living in the Philippines. I was a friend of late Troy Perry founder and Elder Bruce Harmon for over 40 years. I am seeking information concerning a Commitment Service with my Filipino husband. I was married by Troy for 22 years ago and had a wonderful husband before he passed away 12 years ago. My new love and I seek a private service. Can you please forward information about your service and how we can go about it….. thank you Marion and Ryan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *